Sabi nila

Ako po ay nagtanong tanong na sa mga kaibigan at kalaro kung sino sa tingin nila ang dapat malagay sa pinakamataas na posisyon ng ating pamahalaan sa darating na eleksyon. At ito po ay ilan sa mga narinig ko na komento nila

"Si Erap pa din... Pagbigyan muli! Erap para sa mahirap!" -Aling minda

"Si Gibo kasi nararamdaman ko na kahit nasa likod nya sila Arroyo eh mayroon siyang sariling paninindigan at talaga namang intelehente pagdating sa pag sagot nya sa mga forums" - Ate Jesmae

"Si Villar... Napanood ko sya sa tondo nung na kanila ate mina ako, At kumbinsido naman ako sa mga tao na nagiindorso(mga artista) sa kanya" -Kuya Mario

"Si Noy-noy. Tiwala ako sa kung ano man ang kayang gawing pagbabago ng mga Aquino. Di niya bibiguin ang pangarap ng kanyang mga magulang" -Tito Jiovan

"Si Dick Gordon sana kaya lang mukhang hindi naman gagawa ng ingay eh" - Tomas

"Si Brother Eddie, JIL, Kapanalig" -Prima

Mayroon din namang pabirong sagot.

"Si Erap. Para tuloy tuloy ang paghihirap" - Japet

"Si Prospero Pichay. Pechay! Pechay! Pechay!!!" -Krisy

"Si Kuya Mar - DI KO KAYO PABABAYAAN" -Topeng

"Ke Manny Pacquiao ako. Madaming Pera eh. Me krista pa!" -Boying

Mayroon din namang masasakit na puna.

"Si Noy-Noy sana kaya lng bakit nagbabasa ata siya sa tuwing me forum. Di ba ma memorize?" -jit

"Si Gibo sana. Talon muna siya sa bangka ni arroyo" -Ferds

"Si Villar. Mayaman eh. Daming lupain. Enge!"

Nalalapit na po ang halalan. Maging mapagmasid. Pangalagaan ang demokrasya. Maging mapanuri sa darating na eleksyon.




Bookmark and Share

One Step Foot Forward

Narinig nyo ba ang pahayag kahapon ni Senator Mar Roxas sa isang press conference na isinagawa ng partido liberal



Opo, nagpaubaya na si Mar Roxas para kay Noynoy Aquino sa darating na halalan sa 2010. Si Noynoy Aquino na po ang pambatong manok ng partido liberal para sa pagkapangulo ng ating bansa. Sa darating na ika 9 ng septyembre, Ihahayag na po ni Noynoy Aquino ang kanyang nabuong desisyon alin sunod na din sa napagkasunduan ng pamilya Aquino.

Maaring ito na nga po ang isa sa naging pinaka malaking hakbang sa mundo ng pulitika. Ang pagbibigay ng daan tungo sa iisang mithiin ay isang kahanga hangang gawain.

Nanalaytay sa dugo ni Noynoy ang legacy ng kanyang Ama at Ina. "Hindi mo po naman siguro hihiyain ang iyong Ama at Ina na nagbuwis ng buhay maisa ayos lamang nila ang demokrasya."

Ako po ay saludo sa ginawa ni Mar Roxas. Maari mang "politics wise" ang kanyang naging hakbang ngunit dapat pa rin natin siya papurian dahil sa ginawa nyang pagsuko ng personal na hangarin na makapaglingkod sa bansa. Maari ka naman maglingkod at tumulong sa kapwa kahit walang kaakibat na titulo hindi po ba?

Ang hakbang nga ba na ito ay isang hakbang patungo sa pagbabago at muling pagbangon ng pilipinas? Nasa kamay po natin ang ating boto. Maging mapanuri sa mga kaganapan. Nasa kamay po niyo ang aming kinabukasan!





Bookmark and Share

Pogi ni Pahh-Pee! Hindi ikaw "Akala mo"


Napanood niyo naman siguro to sa wowowee? Ang wowowee ay isang sikat na palabas sa pilipinas. Noon Time Game Show Eka nga nila. Me pogi po na host - ops pogi PAPS ha. enge nmn 500 jan? hahaha..

Dahil sa kasikatan ng ilang palabas nagiging daan ang mga ito upang magamit ng ilang mapagsamantalang pulitiko. Okay di ko na po sasabihin na mapagsamantala. Mautak na lng. "buti pa ang sisig me utak" Stratehiya sabi nga po nila.

Nagpamigay po ng anim na bahay si manny villar? opo. totoo yun. di bat ang baet at ang pogi-pogi nya nun!!? pwede na nga siya mag tayo ng sariling noon time show pantapat ka pah-pee. Ano kaya title ng show ni manny villar? Isip ka nga! hahaha

"Akala mo petiks yun pla hindi, Akala mo trapo yun pla mali," Akala mo lang yun (Asan na ang pera sa C5 Road Extension Project? Mahiya ka naman!). Isa lang po ang masasabi ko. Marami ang namamatay sa maling akala. Maging mapanuri po tayo lahat kung sino nga ba ang karapat dapat na mahalal at mailuklok na mamuno sa ating bansa.



Bookmark and Share

Larawan ng kabayanihan - Tawag ng Pagbabago

Sino ba naman mga kuya ang hindi nakaka kilala sa kanila?

Ang dating senador na si Benigno "Ninoy Aquino" at ang ating pinaka mamahal na pangulo Corazon "Cory" Aquino.

Ipinaglaban nila ang ating demokrasya. Wala ng hihigit pa sa nagawa nila para sa ating bansa di po ba?

Bagamat ako po ay hindi pa isinisilang sa panahong ang demokrasya ay nilulupig ng sakim sa kapangyarihan na mga tao. Masasabi ko po na "maraming maraming salamat" ibinigay nyo po muli ang kalayaan sa ating bansa kahit na maging kapalit pa nito ay inyong buhay.

Saludo ako sa inyo inay(cory) at itay(ninoy). Mananatili po kayo sa puso ng mga pilipino. Ngayon at kailanman. Pangako po namin na hindi kami magdadalawang isip na ituloy ang laban na inyo ng sinimulan. Ipaglaban natin ang demokrasya mula sa bulok na pamamahala, labanan natin ang korapsiyon "corruption"at katiwalian na patuloy na nananalanta at patuloy na itaguyod ang kabutihan ng iba bago ang sarili.

Mahalin natin ang bayan higit sa sarili. Ilang buwan at araw mula ngayon. Nasa kamay natin ang pagbabago. Sa akin ang simula. Ako ang simula. Tayo ang simula!



Bookmark and Share

Sugo ni Bro?


Father ED for President? Opo, Tama nga, pormal na ngang inanunsyo ni father ED na tatakbo na sya bilang pangulo ng pilipinas sa darating na eleksyon sa 2010. Bakit hindi si Among Ed? Hindi naman po sa pagiging bias ko o watever. Isa po si Among ED sa mga napipisil ng aking pamilya na ihalal sa darating na eleksyon.

Gusto mo pa ba ng trapo? Trapo means Traditional Politicians. Bakit hindi natin subukan, sa pampanga eh binangga ni father kasama si bro ang pinakamala-laking pangalan, isinaayos ang koleksyon ng buwis na kung saan ang mga Lapid ay nag mukhang katawa tawa at inihabla dahil sa natuklasang kabulukan ng gobyerno nila.

Imagine mga kuya. Si Father ED hinahabol ang ZTE na Anomalya ni Arroyo. Ang kalokohan sa Jueteng ng dating pangulong Erap. Isa ayos ang koleksyon ng buwis sa BOC, Customs tariff and taxes collections.

Maaring walang alam sa pagiging pangulo si Father ED pero bakit naman natin siya papabayaang magmukhang katawa tawa. Tulong tulong tayong mga pilipino tungo sa pag asenso hindi ba. Isa lang po ang pinakamahalaga, ang taong dapat maupo sa palasyo ng pilipinas ay mapapagkatiwalaan, may takot sa diyos, marunong makipag kapwa tao at handang isulong ang kapakanan ng nakararami at hindi interes nang kung sino mang tao jan!.

Sugo ni Bro hindi po ba?


Bookmark and Share

Constitutional Assembly : Bagong Puta-He

"Kay tagal ng niluluto. Nagsindi lamang nag posporo sa kamara eto na maluluto na ang paboriting puta-he ng mga sakim sa kapangyarihan. CON-ASS"

Kabigla-bigla man mga kuya. Panahon pa ni Ramos ay pinag tatalunan na subalit sadyang di mailusot sa kamara pero ano na nagyari? anak ng. . .

"Pag ginusto me paraan" Ginusto talaga ng mga tao sa kamara eh. Isang gabi lang na pag susunog ng kilay ng mga henyo at wala namang katuturang tao sa gobyerno. Ito na. Con-Ass. Eh bakit ganon? Samantalang akin pong natatandaan ilang taon na pinaglalamayan maging buhay ay naging kabayaran na para sa mga magsasaka na pinaglalaban ang CARP - Comprehensive Agrarian Reform. Bakit po yung Constitutional Assembly - One night Stand at ayun. "shoot-shoot. Papa na"

Ganyan na ba talaga ang kabulukan? Ang daming pwedeng pag bangayan. Bakit sina Katrina at Dok Hayden Cam pa ang bida sa Senado. Con-Ass ni Arroyo naman sa kamara.

Paano na ang mga walang Class Room? Paano na ang mga estudyante na naglalakad ng ilang kilometro makapag aral lamang? Paano na ang mga magsasaka? 

Haaay, Nakakalungkot pero sadya yatang nakakalimutan na kung ano ba talaga ang silbi ng mga taong halal na ito. "Serbisyo Publiko po muna bago lahat!"



Bookmark and Share

Disqualified ka na po. Wag ka na.

Eh ano pa ba naman kasi ang hinahabol mo sa kanya?

Pelikula?

Action?

"Wag mo akong subuan"

Jueteng kaya?

Jeep nya?

Mapagod naman po tayo. Para sa mga naghirap na pilipino noong Edsa-2

Iboboto nyo pa ba ang quadroplets na ito?

Hindi na po natin kelangan pag talunan pa. Ayon sa konstitusyon ng ating bansa. Ang sinumang tao na dati ng naupo o humawak sa posisyon o opisina ng pangulo eh hindi na maari pang maging kwalipikado upang madugtungan o muling maupo sa posisyon o opisina bilang pangulo.

"A person who has held the office of president is absolutely disqualified for any re-election"

Buong Artikulo. Basahin mo kaya kuya.

So ano pa ba ang sinasabi mo na tatakbo ka pag hiniling ng tao na tumakbo ka? Ugok ka ba? Eh di namayat ka kung tatakbo ka pa. Tatakbo daw mag ji jeep naman. haaay

Dati pa tapos na ang usapan na ito. Kaya nakakatawa naman ang iba, ipinipilit na tatakbo pa sila. Ano ba? Magbago naman na kayo. Sinasayang niyo lang oras niyo. Eh kung yung pera mo eh binahagi mo na lang sa mga eskwelahan na kulang sa silid at libro. Nakinabang pa sana si pedro.






Bookmark and Share

Computerization of 2010 Elections

Yehey. Techy na po ang nalalapit na halalan. Ilang pirma na lamang at maisasakatuparan na ang computerization ng halalan sa pilipinas.

Pero teka mga kuya. Gastos lang po ba ito?

Makakatulong nga ba?


Isa ba itong hakbang na kailangan na ba talaga para higit na maisaayos ang nalalapit na halalan?

Baka naman tulad lang ito ng sa Dep-ed Instant Noodles na nagkakahalagang higit sa 20 piso ang isa.

Haay. Noodles na lang na kinakain ng mga kabataan sa eskwelahan ay sadya pang pinag kakaperahan? Noodles na sana ay makatulong pampagana nagiging dahilan ng iba pra buhay nilang makasarili ay maging sagana.

Ang computerization ng eleksyon ay atin pong bantayan. Ang bidding na pagkalaki laki ay ating matiyagan. Ito po ay magiging utang na naman ng sambayanan kaya ano pa nga ba atin itong subaybayan. Paggising mo isang araw sinisingil ka na ng utang mo na hindi naman ikaw ang nakinabang.

Bidding. Ako po mismo saksi sa isang bidding. Computer unit para sa isang sangay ng gobyerno na ayaw ko na lamang pangalanan ay nagkakahalagang 72,000 ang isa. Sabay kamukat muka mo pentium 4 lang pala. Asan na ang 72,000 na computer? nsa bulsa na ng iba at ang mga nanay at tatay ko na nagtitiis ng dahil sa buwis ay nagdudusa.

Maging mapagbantay. Labanan ang katiwalian. Imulat ang mata!


Bookmark and Share

Pink na Pilipinas ba ang idea mo?

Maging mapanuri po tayo sa lahat ng kakandidato sa darating na halalan.

Kandidato ko?

Bayani Fernando.
Official Website - CLICK HERE

P.S. Page Rank 5 daw oh. SEO. Wow


Opo. Maayos na ang mga kalsada ngayon, me mga pink ng toilet. Me pink ng barriers. Me pink ng signs. Me pink ng guhit. Me pink ng pader. Me pink na "Walang tawiran, Nakamamatay". Me pink na panty. Ooops.

Bakit ba naman kasi pink? hahaha. Wala lang po. Mag suggest ka nga kuya ng kulay.

Wala po akong layuning mapanira. Opo ayon sa website ni chairman bayani fernando. Ang tanging layunin lamang po niya ay isaayos ang kalsada at ilagay lahat sa disiplina. (orihinal na blog entry).

Yeah their doing their job. Maraming salamat po at nalinis po ang bangketa at kalsada.

Ngunit sa kabilang banda.

Nakita ko po noon sa commenwealth, kasama ko si kuya kung paano nagmamakaawa yung isang aleng tindera para lamang isauli yung kanyang tinda. Walang puso at tumatawa pa po tao niyo. Dinurog nila ang tinda nung ale at tinambak na parang basura. Oo maayos nga. pero ang mga tao niyo alam nyo po ba ginagawa nilang paraan ng pagsasaayos? Di na ako magtataka. Nasa baclaran kami minsan eh bigla na lang nagkagulo ng me sumigaw ng "MMDA". Para po bang giyera na sa basilan. Naglaho bigla lahat ng vendor.

May nagsabi pa nga sa amin non na isang vendor nung kami ay magtanong. "Ay oo. MMDA, hayup ang mga yan. Si aleng Mila, Nanay ni jun-jun na stroke dahil sa kanila. Namatay."

Kayo po ang nasa kapangyarihan at dapat higit na nakakaunawa.

Alam niyo po ba yung mga ganitong eksena? oh nakaupo lang po kayo sa inyong opisina? Wala na lang kayong pake?

Maganda po at maayos ang Maynila lalo na ang EDSA. Maraming Salamat. Pero sana wag natin ipag sa walang bahala yung mga maliliit ngunit nakamamatay na ganung eksena? Tama po diba. Ito naman po ay wari ko lamang.

Sorry po at Maraming salamat po.

See this Video at 3:50 (3 min 50 sec). Pinagpapalo po ng 1 to sawa yung guy. Ikaw na tao, isabit kaya kita na parang palayok at hampasin ng paulit ulit hanggang maging pulbos? Though medyo stupid po ang pag eenglish nung kumukuha ng video. Kano ka ba, Pilipino o ALIEN? Sorry. Peace!



Bookmark and Share

Ako ang Simula



Mga kuya. Nakita nyo na ba yung ad sa abs-cbn? Natutuwa lamang po ako ng marinig ko si Chris Tiu. Isang Sikat na Modelo ng Milo Energy Drink - para sa kabataan, Basketball player ng Ateneo De Manila University na magsabi ng

"Mamahalin ko ang mga Lasalista. Ako mismo"

ehehe..nahagip ko lang po yung video na to sa youtube. Chris tiu - Sharon Yu. Yihee.. Atenista loves lasalista. Cute nmn dba? wala lang po. Di ko naman po alam ang kwento sa likod nitong vid na to. lol

Lumaki kasi ako na kasama ko po Kuya ko sa panonood ng UAAP sa Araneta. Kapag DLSU vs. ADMU na. Daig pa ang aso at pusa. Kulang na lang magbarilan pati nanonood. hehe.. pero minsan kasi may kayabangan naman po sila pareha. Kaya tuloy ang sarap sakyan ng kayabangan nila. Peace! I love those ballgames, DLSU vs ADMU. Mac Cardona/TY Tang - Villanueva/Fonacier.

Maganda pong marinig yun mula sa isang tao, na mamahalin niya kalaban niya. Sana nga kalaban niya. hahaha. Gets mo kuya?hahaha

Simulan na ang pagbabago. Tama na ang basag ulo. Wahehehe


Bookmark and Share

Naniniwala ka pa ba?



Mga Kuya ko. Ito ay isang sapat na paalala sa bawat botante sa darating na eleksyon. "Go out and vote wisely"

Tandaan. Sa darating na halalan. Di lamang anim na taon ang dapat pagisipan. Ating itatak sa isipan sa bawat boto mo ay nasusulat ang kasaysayan tungo sa isang bagong kinabukasan!


Bookmark and Share

Mata ni Kuya Juan. Mabibili sa tindahan?
















Mga Mata ni Juan
panulatkamay: gisingpepe

Mga mata nyo ba ay nababayaran? Magkano po?
Limampung piso hanggang limang daan?
Isipin nyo po muna kung ang gawaing ito
ay para ba sa kabutihan.

Mga mata na nagsisilbing tanglaw sa madilim
na kasalukuyan. Patungo sa bukas na
puno ng ligaya at katiwasayan.

Mga mata nyo po ang aming tanging sandalan
aming pangarap at kinabukasan,
Tiwala ako, hindi kailanman mababayaran.

Ipaglalaban ang bawat karapatan,
sa lahat ng pagkakataon susubaybay
at hindi ka tatalikuran.

Maging mapagmasid sa halalan
boto po natin - atin lahat bantayan,
pagkat mata ni juan di mabibili ng kahit na
anong tindahan.


Bookmark and Share

Isang taon mula ngayon

Eleksyon nanaman mga ate at kuya. Me iboboto ka na ba? May napipisil ka na ba na kandidato eka nga nila?

"Tayo po ang simula"

Simulan ang pagbabago para sa kinabukasan. Ang mga kahapong kamalian ay atin nang iwasan. Hindi pa ba tayo natuto sa ating nakaraan?

Pagkamatay ng ilang tao dahil sa karahasan? Bunga ng ano mga kuya? Bunga ng walang katapusang kasakiman!. Kasakiman sa kapangyarihan. Kasakiman sa Katungkulan.

Na kanino ang pagasa? Nasa ating kamay po ang pagasa. Kayong mga botante, hawak ninyo po ang pagbabago para sa aming mga kabataan na ang tanging hiling ay maayos na kinabukasan.

Sabi nga po noon sa aming simbahan. Simulan po natin ang pagbabago sa loob nang tahanan. Iwasto lahat nang kamalian. Ang pagbabago ay hindi biglaan. Isang mahabang proseso na dapat simulan sa ating tahanan.

Ang taong pinalaki ng magulang ng wasto at mayroong lubos na pagmamahal at pananalig sa diyos, kailanman hindi matutukso sa kahit na anong kasalanan.

Ang Pagbabago po ay nasa ating mga kamay. Isang taon mula ngayon. Tanawin sana namin ang aming kinabukasan ng may liwanag at ngiti sa aming puso at isipan.



Bookmark and Share