Nasasadlak na nga yata sa putikan ang ating sambayanan. Wala pa mang nananalo sa eleksyon mga kuya eh wala na agad ginawa ang mga pulitiko kung hindi magtapunan ng putik sa isat isa.. Wari ba'y sayang saya pa sila na nag mumukha silang katawa tawa sa mga kalokohan nila.
Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Pero napagalamang walang kasing yaman ang pulitiko na ito. Malaking lupain sa Las Pinas at Cavite ay pagaari na nya. Opo pinaghirapan naman talaga niya ang lahat ngunit sa isang banda. Naisip ko lang po.
"Kung naging mahirap ka, alam mo kung gaano kahalaga ang pera. Bilyon na ang nagagastos ng isang awiting nagsasabing hindi bawal mangarap ang mahirap. Alam mo kung gaano kahirap ang pera. Uubusin mo lang sa pamumulitika!"
Batuhan ng putik. May isang kandidato naman na inaakusahang may pagkukulang daw sa isip. Kulang nga ba? O baka naman sobra sobra?
Wala po akong gustong panigan sa mga sulatin ko sa blog na ito. Laban na kung laban. Siguraduhin nyo po lamang sana na kinabukasan ang makikinabang.
kanyang larawan ang eleksyon. Putik at Pulitika wala na po ba talagang kakaiba?
Ako po ay nagtanong tanong na sa mga kaibigan at kalaro kung sino sa tingin nila ang dapat malagay sa pinakamataas na posisyon ng ating pamahalaan sa darating na eleksyon. At ito po ay ilan sa mga narinig ko na komento nila
"Si Erap pa din... Pagbigyan muli! Erap para sa mahirap!" -Aling minda
"Si Gibo kasi nararamdaman ko na kahit nasa likod nya sila Arroyo eh mayroon siyang sariling paninindigan at talaga namang intelehente pagdating sa pag sagot nya sa mga forums" - Ate Jesmae
"Si Villar... Napanood ko sya sa tondo nung na kanila ate mina ako, At kumbinsido naman ako sa mga tao na nagiindorso(mga artista) sa kanya" -Kuya Mario
"Si Noy-noy. Tiwala ako sa kung ano man ang kayang gawing pagbabago ng mga Aquino. Di niya bibiguin ang pangarap ng kanyang mga magulang" -Tito Jiovan
"Si Dick Gordon sana kaya lang mukhang hindi naman gagawa ng ingay eh" - Tomas
"Si Brother Eddie, JIL, Kapanalig" -Prima
Mayroon din namang pabirong sagot.
"Si Erap. Para tuloy tuloy ang paghihirap" - Japet
Narinig nyo ba ang pahayag kahapon ni Senator Mar Roxas sa isang press conference na isinagawa ng partido liberal
Opo, nagpaubaya na si Mar Roxas para kay Noynoy Aquino sa darating na halalan sa 2010. Si Noynoy Aquino na po ang pambatong manok ng partido liberal para sa pagkapangulo ng ating bansa. Sa darating na ika 9 ng septyembre, Ihahayag na po ni Noynoy Aquino ang kanyang nabuong desisyon alin sunod na din sa napagkasunduan ng pamilya Aquino.
Maaring ito na nga po ang isa sa naging pinaka malaking hakbang sa mundo ng pulitika. Ang pagbibigay ng daan tungo sa iisang mithiin ay isang kahanga hangang gawain.
Nanalaytay sa dugo ni Noynoy ang legacy ng kanyang Ama at Ina. "Hindi mo po naman siguro hihiyain ang iyong Ama at Ina na nagbuwis ng buhay maisa ayos lamang nila ang demokrasya."
Ako po ay saludo sa ginawa ni Mar Roxas. Maari mang "politics wise" ang kanyang naging hakbang ngunit dapat pa rin natin siya papurian dahil sa ginawa nyang pagsuko ng personal na hangarin na makapaglingkod sa bansa. Maari ka naman maglingkod at tumulong sa kapwa kahit walang kaakibat na titulo hindi po ba?
Ang hakbang nga ba na ito ay isang hakbang patungo sa pagbabago at muling pagbangon ng pilipinas? Nasa kamay po natin ang ating boto. Maging mapanuri sa mga kaganapan. Nasa kamay po niyo ang aming kinabukasan!
Napanood niyo naman siguro to sa wowowee? Ang wowowee ay isang sikat na palabas sa pilipinas. Noon Time Game Show Eka nga nila. Me pogi po na host - ops pogi PAPS ha. enge nmn 500 jan? hahaha..
Dahil sa kasikatan ng ilang palabas nagiging daan ang mga ito upang magamit ng ilang mapagsamantalang pulitiko. Okay di ko na po sasabihin na mapagsamantala. Mautak na lng. "buti pa ang sisig me utak" Stratehiya sabi nga po nila.
Nagpamigay po ng anim na bahay si manny villar? opo. totoo yun. di bat ang baet at ang pogi-pogi nya nun!!? pwede na nga siya mag tayo ng sariling noon time show pantapat ka pah-pee. Ano kaya title ng show ni manny villar? Isip ka nga! hahaha
"Akala mo petiks yun pla hindi, Akala mo trapo yun pla mali," Akala mo lang yun (Asan na ang pera sa C5 Road Extension Project? Mahiya ka naman!). Isa lang po ang masasabi ko. Marami ang namamatay sa maling akala. Maging mapanuri po tayo lahat kung sino nga ba ang karapat dapat na mahalal at mailuklok na mamuno sa ating bansa.
Sino ba naman mga kuya ang hindi nakaka kilala sa kanila?
Ang dating senador na si Benigno "Ninoy Aquino" at ang ating pinaka mamahal na pangulo Corazon "Cory" Aquino.
Ipinaglaban nila ang ating demokrasya. Wala ng hihigit pa sa nagawa nila para sa ating bansa di po ba?
Bagamat ako po ay hindi pa isinisilang sa panahong ang demokrasya ay nilulupig ng sakim sa kapangyarihan na mga tao. Masasabi ko po na "maraming maraming salamat" ibinigay nyo po muli ang kalayaan sa ating bansa kahit na maging kapalit pa nito ay inyong buhay.
Saludo ako sa inyo inay(cory) at itay(ninoy). Mananatili po kayo sa puso ng mga pilipino. Ngayon at kailanman. Pangako po namin na hindi kami magdadalawang isip na ituloy ang laban na inyo ng sinimulan. Ipaglaban natin ang demokrasya mula sa bulok na pamamahala, labanan natin ang korapsiyon "corruption"at katiwalian na patuloy na nananalanta at patuloy na itaguyod ang kabutihan ng iba bago ang sarili.
Mahalin natin ang bayan higit sa sarili. Ilang buwan at araw mula ngayon. Nasa kamay natin ang pagbabago. Sa akin ang simula. Ako ang simula. Tayo ang simula!
Father ED for President? Opo, Tama nga, pormal na ngang inanunsyo ni father ED na tatakbo na sya bilang pangulo ng pilipinas sa darating na eleksyon sa 2010. Bakit hindi si Among Ed? Hindi naman po sa pagiging bias ko o watever. Isa po si Among ED sa mga napipisil ng aking pamilya na ihalal sa darating na eleksyon.
Gusto mo pa ba ng trapo? Trapo means Traditional Politicians. Bakit hindi natin subukan, sa pampanga eh binangga ni father kasama si bro ang pinakamala-laking pangalan, isinaayos ang koleksyon ng buwis na kung saan ang mga Lapid ay nag mukhang katawa tawa at inihabla dahil sa natuklasang kabulukan ng gobyerno nila.
Imagine mga kuya. Si Father ED hinahabol ang ZTE na Anomalya ni Arroyo. Ang kalokohan sa Jueteng ng dating pangulong Erap. Isa ayos ang koleksyon ng buwis sa BOC, Customs tariff and taxes collections.
Maaring walang alam sa pagiging pangulo si Father ED pero bakit naman natin siya papabayaang magmukhang katawa tawa. Tulong tulong tayong mga pilipino tungo sa pag asenso hindi ba. Isa lang po ang pinakamahalaga, ang taong dapat maupo sa palasyo ng pilipinas ay mapapagkatiwalaan, may takot sa diyos, marunong makipag kapwa tao at handang isulong ang kapakanan ng nakararami at hindi interes nang kung sino mang tao jan!.
"Kay tagal ng niluluto. Nagsindi lamang nag posporo sa kamara eto na maluluto na ang paboriting puta-he ng mga sakim sa kapangyarihan. CON-ASS"
Kabigla-bigla man mga kuya. Panahon pa ni Ramos ay pinag tatalunan na subalit sadyang di mailusot sa kamara pero ano na nagyari? anak ng. . .
"Pag ginusto me paraan" Ginusto talaga ng mga tao sa kamara eh. Isang gabi lang na pag susunog ng kilay ng mga henyo at wala namang katuturang tao sa gobyerno. Ito na. Con-Ass. Eh bakit ganon? Samantalang akin pong natatandaan ilang taon na pinaglalamayan maging buhay ay naging kabayaran na para sa mga magsasaka na pinaglalaban ang CARP - Comprehensive Agrarian Reform. Bakit po yung Constitutional Assembly - One night Stand at ayun. "shoot-shoot. Papa na"
Ganyan na ba talaga ang kabulukan? Ang daming pwedeng pag bangayan. Bakit sina Katrina at Dok Hayden Cam pa ang bida sa Senado. Con-Ass ni Arroyo naman sa kamara.
Paano na ang mga walang Class Room? Paano na ang mga estudyante na naglalakad ng ilang kilometro makapag aral lamang? Paano na ang mga magsasaka?
Haaay, Nakakalungkot pero sadya yatang nakakalimutan na kung ano ba talaga ang silbi ng mga taong halal na ito. "Serbisyo Publiko po muna bago lahat!"
Ang Pagasa ng Kabataan ay nasa inyo pong mga kamay. Simulan ang pagbabago sa ating mga sarili. Sa ating tahanan. Maging Mapagmasid sa kapaligiran. Pangalagaan ang aming kinabukasan!